Super Typhoon #GoringPH lalo pang lumakas habang tumatawid sa Balintang Channel; Signal No. 5, nakataas pa rin sa Babuyan Island

Isa na muling super typhoon ang Bagyong #GoringPh

lalo itong lumakas habang tumatawid sa Balintang Channel na sobrang lapit sa Babuyan Island.

Huling namataan ang bagyo sa coastal waters ng Calayan, Cagayan.


Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 195 kilometers per hour at pagbugsong 240 km/h.

Bumilis din ang kilos nito pa-hilagang kanluran sa 15 km/h.

Nananalasa ngayon ang bagyo sa hilagang-silangang bahagi ng Babuyan Islands kung saan kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 5.

Inilarawan ng pagasa ang kondisyon sa Babuyan bilang “violent” at “life-threatening” na maaaring mag-iwan ng malawakang pinsala sa mga istruktura, kabahayan at mga taniman.

Samantala, nakataas pa rin ang Signal Number 4 sa:

  • Southern portion of Batanes (Sabtang, Uyugan, Ivana, Mahatao, Basco)
  • Northwestern at southeastern portions of Babuyan Islands (Camiguin Island, Calayan Island)

Signal Number 3 naman sa:

  • Nalalabing bahagi ng Batanes
  • Natitirang bahagi ng Babuyan Islands
  • Extreme northeastern portion of mainland Cagayan (Santa Ana)

Habang signal number 2 sa:

  • Northern portion of mainland Cagayan (Gonzaga, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Camalaniugan, Santa Teresita, Allacapan, Lal-lo, Lasam, Gattaran)
  • Northern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Bangui, Dumalneg)
  • Northern portion of Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)

At Signal Number 1 sa:

  • Northern portion of Isabela (Tumauini, San Pablo, Cabagan, Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano)
  • Nalalabing bahagi ng Ilocos Norte
  • Nalalabing bahagi ng Cagayan
  • Nalalabing bahagi ng Apayao
  • Northern portion of Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Malibcong)
  • Northern portion of Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Rizal, Tabuk City)

Samantala, lumakas at patuloy din sa paglapit sa Philippine Area of Responsibility ang severe tropical storm “Haikui.”

Inaasahang papasok ito sa PAR ngayong miyerkules at tatawaging Bagyong “Hanna.”

Facebook Comments