Super Typhoon Henry, lalo pang humina habang mabagal na kumikilos sa bahagi ng Philippine Sea; babala ng bagyo, nakataas sa Batanes, Babuyan Island at bahagi ng Cagayan

Humina pa ang Super Typhoon Henry habang kumikilos patungong Hilagang Kanlurang direksyon sa bahagi ng Philippine Sea, Hilagang Silangan ng Batanes.

 

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong at 350 km ng Silangan Hilagang Silangan ng Itbayat, Batanes.

 

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 190 kilometro kada oras.


 

Nakataas na ang Signal No. 2 sa Batanes, habang Signal No. 1 naman sa Babuyan Island at Hilagang Silangang Bahagi ng Mainland Cagayan.

 

Asahan din ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Ilocos Norte, Batanes, Babuyan Islands , at Abra.

 

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Henry bukas ng gabi o sa linggo ng umaga.

Facebook Comments