Super Typhoon “Mawar”, lalo pang lumakas habang nasa labas ng PAR; bagyo, inaasahang lalakas pa sa mga susunod na araw ayon sa PAGASA-DOST

Courtesy: Accuweather

Lalo pang lumakas ang binabantayan ng PAGASA-DOST na bagyong may international name na “Mawar” habang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR.

Huling namataan ang Super Typhoon “Mawar” sa layong 2,000 kilometers sa Silangan-Timog-Silangan ng Luzon na may bilis na 15 kilometers per hour.

May lakas ito ng hangin na aabot sa 195 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 240 kilometers per hour.


Inaasahan na mas lalakas pa ang Super Typhoon “Mawar” sa mga susunod na araw habang papatawid sa Philippine Sea.

Ayon pa sa PAGASA, posibleng sa weekend ay aabot na sa 215 kilometers per hour ang lakas na hangin nito.

Papasok sa PAR ang Super Typhoon “Mawar” bukas ng gabi o Sabado ng umaga at tatawagin itong “Bagyong Betty”.

Samantala, suspendido na ang klase sa lahat ng level sa ilang barangay sa Valencia City, Bukidnon kabilang na ang:

• Sinayawan
• Dagat-kidavao
• Laligan
• Sinabuagan
• Lurugan
• Mabuhay
• Kahaponan
• Laligan
• Concepcion
• Tongan-tongan
• Batangan
• Catumbalon at
• Bagontaas

Facebook Comments