Super Typhoon “Mawar” lalo pang lumakas habang papalapit ng PAR

Lalo pang lumakas ang Super Typhoon “Mawar” habang papalapit ng Philippine Area of Responsibility.

Sa 11 p.m. tropical cyclone advosiry ng PAGASA, huling namataan ang mata ng bagyo sa 1,840 kilometers Silangan ng Southeastern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 205 kilometers per hour at pagbugsong 250 kilometers per hour.


Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometers per hour.

Ayon pa sa PAGASA, umaabot hanggang 550 kilometers mula sa gitna ang strong to typhoon-force winds na dala ng bagyo.

Inaasahang papasok ito ng par sa Biyernes ng gabi o umaga ng Sabado at tatawaging bagyong “Betty.”

Posibleng humina ang bagyo sa Sabado pero mananatili itong super typhoon hanggang Linggo o umaga ng Lunes.

Samatala, asahan na ang malalakas na pag-ulan sa Northern Luzon simula sa Linggo ng gabi o sa Lunes bunsod ng tropical cyclone.

Ngayong araw o sa Sabado, posibleng magtaas ng wind signal ang PAGASA dahil sa inaasahang strong to storm-force conditions na iiral sa dulong Hilagang Luzon at strong to gale-force conditions sa hilaga at silangang bahagi ng Northern Luzon.

Palalakasin din ng Super Typhoon Mawar ang habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas simula sa Linggo o Lunes.

Facebook Comments