Monday, February 2, 2026

Super Typhoon Mawar, nakapasok na sa PAR

Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility ang Super Typhoon Mawar na ngayon ay tatawagin nang bagyong Betty.

Ayon sa PAGASA, alas-2:00 kaninang madaling araw nang makapasok sa PAR ang bagyo.

Patuloy itong kikilos nang mabilis bago dahan-dahang babagal bukas.

Sa Lunes, kikilos pa-hilagang-kanluran ang bagyo sa katubigan ng Batanes kung saan hindi ito halos gagalaw.

Mananatiling itong super typhoon hanggang weekend pero may posibilidad pa rin na ito ay humina.

Facebook Comments