Superintendent Lito Cabamongan ng PNP crime lab, pansamantalang pinalaya

Manila, Philippines – Pansamantalang pinalaya ang opisyal ng pulis na nahuli sa isang shabu session na si Superintendent Lito Cabamongan ng PNP crime lab.

Ayon kay SPD Director Senior Superintendent Tomas Apolinario, ito ay matapos payagan ni Judge Domingo ng RTC Branch 201 na makapaglagak si Cabamongan ng 240,000 para sa kasong paglabag sa Secs12 at 15, Art II, RA 9165.

Si Cabamongan ay ikinulong noong Marso nang maaktuhan sa shabu session kasama ang isang babae sa bahay sa everlasting homes, Las Piñas.


Naunang kinasuhan ang suspek ng isang non-bailable offense, na may kinalaman sa iligal na droga.

Pero ibinaba ng korte ang kaso ni Cabamongan sa possession of drugs and paraphernalia at use of dangerous drugs na parehong bailable.

Gayuman, nilinaw ng SPD na hindi pa rin lusot si Cabamongan sa kasong administratibo.
Nation

Facebook Comments