Manila, Philippines – Kinumpirma ni PNP-CIDG Director Roel Obusan, na si Superintendent Marvin Marcos na ang bagong hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 12 Soccsksargen (South Cotabato, Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani )
Ito’y matapos na iutos ni Pangulong Duterte kahapon ang reinstatement ni Marcos at iba pang akusado sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Ayon kay Obusan, inilabas na ng PNP Directorate for Personnel Record and Management ang papel ni Marcos at 15 iba pa na nagpapabalik sa kanila sa trabaho.
Pinababalik sila sa kanilang sa mother unit, ang CIDG.
“Babalik talaga sila sa kanilang mother unit, parang status quo yan eh. Noong naalis ka sa serbisyo, nasa CIDG ka, nagkaroon ng changes dahil nagkaroon ng changes dahil instead na murder, naging homicide na lang, babalik ka talaga sa CIDG.”
Nagkataon namang bakante ang hepe ng CIDG Region 12, na nararapat sa ranggo ni Marcos.
“Region 12 ang bakante ngayon. Yung dating hepe doon na si Senior Superintendent Felix Henrita naging provincial director dito sa Region 5, Bicol region just recently, yun ang bakante talaga. Nagre-require ang rank ni Marcos na umupo doon kase senior na rin ang rank niya. We follow the seniority of rank. Magiging hepe siya doon dahil yun yugn commensurate sa rank niya.
Ang iba pang akusado ay ikakalat sa Region 12 at Region 7 o Central Visayas.
“Yung iba ipinunta ko sa region 7 (Central Visayas), yung iba ipinunta ko rin sa Region 12 kase kokonti naman ang tao sa Mindanao. After kase itong Marawi incident kase sa ISIS, merong problema ng Abu Sayyaf at BIFF sa Region 12. Ito ang pahayag ni PNP-CIDG Director Roel Obusan.