‘Superman’, sinagip ang isang pamilya mula sa sunog

452
Stock photo

Nagsilbing tagapagligtas sa totoong buhay ang isang lalaking nakasuot ng “Superman” T-shirt matapos iiwas sa sunog ang isang pamilya sa Los Angeles, US noong Nobyembre 2.

Bandang 2 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa hilera ng mga kabahayan kabilang ang sa mag-asawang si Marcy at Henry Zavala, ayon sa Inside Edition.


Habang papalapit ang sunog, sinikap ni Paul Paterson na gisingin ang mag-asawa at apat na anak nitong nasa edad 6 pababa.

Sinabi ni Paterson na mahimbing na natutulog ang mag-anak kaya sumigaw siya nang napakalakas sa abot ng kanyang makakaya.

Mapapanood sa footage mula sa security camera ng pamilya Zavala si Paterson na tumatawag ng “Henry!” habang kikalabog ang pinto.

Makikita rin sa likuran niya ang malaking apoy.

Pinasalamatan ni Marcy ang kapitbahay na nagbigay sa kanila ng sapat na oras para lumikas sa bahay.

Naapula naman ang apoy na tumupok sa anim na kabahayan bago umabot sa tirahan ng mga Zavala.

Facebook Comments

From Advertisers