Kilala sa ating mga Pilipino ang pagiging matipid at segurista, lalong lalo na sa pamamalengke. Ano nga ba ang pagkakaiba ng supermarket at ng palengke? Saan nga ba mas the best bumili ng mga kailangan natin sa araw-araw?
SUPERMARKET
Pro’s
- Malinis
- Naka-aircon
- Mas masasabing mas makatotohanan ang timbang at walang daya
- Nagsasagawa ng mga promo at bundle ng mga produkto
- Nagbibigay ng resibo
- Ang mga imported products ay nandito at kalimitang hindi mahahanap sa palengke
- Ito ay pabor sa mga busy at nagmamadaling tao dahil ito ay mas organized
- May cart na isang napakalaking tulong sa pagdadala ng mga pinamili lalo na kung ito ay bultuhan
- Hindi lamang pagkain ang itinitinda rito, narito rin ang iba’t ibang kagamitan sa bahay na madalas natin kailanganin. Dahil sa ganitong set-up, mas madali na sa mamimili ang bumili ng lahat ng kinakailangan nito sa isang lakaran lamang.
Con’s
- Mas mahal
- Minsan ay hindi maiiwasan ang mga may depektong prutas at gulay dahil sa late na pagdedeliver
- Hindi maipagkakaila na ang ibang mga produkto dito ay may halong mga kemikal upang tumagal sa mga estante
- Kalimitang gumagamit ng freezing method upang mapanatili ang pagkasariwa ng mga karne
- Iisa lamang ang supplier kaya wala kang pagkakataong makapili ng mas murang halaga sa produktong iyopng hinahanap
PALENGKE
Pro’s
- Mas fresh ang mga paninda at makakasiguradong bagong deliver ito
- Maaaring tumawad sa mas mababang pesyo
- Maaaring bumili ng dami na sakto lamang sa pangangailangan
- Karamihan sa mga magtitinda ay lokal na nagnenegosyo lamang kaya makakasigurado na ang paninda ay walang halong kemikal na kalimitang ginagawa ng mga malalaking kumpanya.
- Makikita mo na sariwa pa ang mga produkto katulad ng isda, manok, baboy atbp.
- Maaari kang magkumpara ng presyo ng produktong bibilhin sa iba’t ibang tindahan upang makasigurado na ang pipiliin mong bilhin ay ang nasa pinaka murang halaga.
- May pagkakataong maging magkaibigan ang mamimili at ang nagtitinda na kung tawagin ay pagiging “suki” na kung saan ang magtitindang ito ang pinagkakatiwalaan ng isang mamimili pagdating sa tamang presyo at kalidad ng isang produkto, at ang kalimitang pagtangkilik nito ay magreresulta ng mas malaking discount mula sa magtitinda.
Con’s
- Maputik at hindi mapagkakailang may karumihan at mabahong amoy
- Minsan hindi maiiwasan ang mga uri ng nagtitinda na nagsasamantala sa mga mamimili katulad na lamang ng paghahalo ng mga lumang produkto sa mga pakete (karne, gulay, isda atbp.)
- Minsan ay may pandarayang nagaganap sa timbangan na ginagamit
- Malaki ang chance of contamination sa mga paninda dahil sa “wet” set-up nito
- Maramiong langaw at germs na maaaring makasama sa kalusugan ng mga mamimili
- Hindi organized at tiyak na kailangan mo maglaan ng oras para sa paghahanap ng iyong bibilhin
Sa madaling salita, ang desisyon ay nasasa-iyo, base sa iyong budget, oras, kalagayan at panahon.
Article written by Ference Alvarez
Facebook Comments