Supermarkets association, walang nakikitang mali sa pagtatakda ng standards sa adobo

Walang nakikitang mali ang Philippine Amalgamated Supermarkets Association sa hakbang ng Department of Trade and Industry (DTI) na lagyan ng pamantayan o standards ang ilang sikat na pagkaing Pilipino, kabilang ang adobo.

Ayon kay Steven Cua, presidente ng grupo, ang mga ganitong standards of guidelines ay mabibigyan ang mga customers mula sa ibang bansa, kabilang ang mga Pilipino abroad na makaranas ng “authentic” Pinoy dishes.

Inihalimbawa niya ang Vietnam at Thailand na ginawang standardized ang kanilang mga pagkain na nais nila na gayahin at i-promote sa mga restaurants sa buong mundo.


Ang DTI-Bureau of Philippine Standards ay bumuo ng technical committee para bumuo ng Philippine National Standards (PNS) sa ilang tanyag na putaheng Pinoy tulad ng adobo, sinigang, lechon at sisig.

Facebook Comments