SUPERSHE ISLAND | Island resort na exclusive lang para mga babae, bubuksan sa Finland

Finland – Para sa mga hardcore feminists na naghahanap ng vacation spot, tamang-tama dahil isang Island Resort sa coast of Finland ang dinarayo ngayon na exclusive lang para sa mga babae.

Tinawag itong “Supershe Island” brainchild ng American entrepreneur na si Kristina Roth.

Naisipan daw itong itayo ni Kristina matapos niyang ma-realize na distraction para sa mga babae ang mga lalaki.


Wala naman daw siyang problema sa mga lalaki pero minsan, kailangan din aniyang maranasan ng mga babae na makapag-enjoy at makapag-relax nang hindi nadi-distract sa presensya ng mga kalalakihan.

Perfect din daw ang resort para sa mga babaeng gustong bigyan ng time ang kanilang mga sarili para sa fitness, nutrition at creative activities.

Sa July target na buksan sa publiko ang Supershe Island Resort.

Facebook Comments