Superstar Nora Aunor, binigyan ng parangal sa Gawad Amerika Award

107

Hinirang bilang Lifetime Achievement Awardee in Performing Arts ang beteranang aktres at nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa katatapos lamang na 19th Gawad Amerika Award.

Nabigo mang makadalo ang Superstar dahil sa COVID-19 pandemic, nagpadala naman ito ng video message para sa lahat.


Lubos itong nagpasalamat sa pamunuan ng Gawad Amerika Award at sa mga taong sumusuporta sa kanya.

Sa ngayon, aktibo pa rin si Nora sa paggawa ng sining sa mundo ng showbiz.

Facebook Comments