Supervisor ng MINRICO patay sa pamamaril

58

Patay sa pamamaril ang over all supervisor ng MINRICO Lumber Enterprises Company Inc . alas singko trentay singko kahapon.
Kinilala ang biktima na si Ernesto Atienza,61 residente ng Purok Pagkakaisa, Poblacion 2, Cotabato City.
Sa report ng PNP sakay ng pamapasaherong tricycle si Atienza ng pagbabarilin ng riding in tandem criminals na sakay ng kulay puti na may halong pulang Honda XRM.
Dalawang tama sa kanyang dibdib ang natamo ng biktima mula sa di natukoy na bala ng baril.
Pilit pa sanang isinalba si Atienza ngunit naideklara na itong dead on arrival sa ospital.
Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng SK PNP.

Facebook Comments