SUPERVISORY VISIT, ISINAGAWA NG PPPO SA ILANG POLICE STATIONS SA PANGASINAN

Bilang bahagi ng regular na leadership oversight at operational assessment, nagsagawa ang Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) ng serye ng supervisory visits sa ilang police stations sa lalawigan upang tiyaking handa at maayos ang pagbibigay-serbisyo ng pulisya sa kanilang mga komunidad.

Unang binisita ng Pangasinan PPO ang bagong tayong Calasiao Police Station upang tingnan ang kondisyon ng bagong gusali, ang kagamitan, at ang kahandaan ng istasyon bago ito opisyal na magbukas nitong December 9.

Samantala, kasama naman ang Deputy Provincial Director for Administration, binisita rin ang Sta. Barbara Police Station at Mapandan Police Station bilang bahagi ng patuloy na assessment ng Pangasinan PPO sa lahat ng police stations sa lalawigan.

Sa kanilang pagbisita, sinuri rin ang pasilidad, kagamitan, operasyon, at administratibong proseso ng bawat istasyon upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa PNP standards at epektibong nakapaghahatid ng serbisyo sa publiko.

Bukod dito, pinulong ang mga Chief of Police at personnel upang talakayin ang kasalukuyang crime situation, security operations, at mga direktibang kaugnay ng kampanya kontra kriminalidad, iligal na droga, at pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko lalo na ngayong panahon ng Yuletide season.

Binigyan-diin ng aktibidad ang patuloy na layunin ng Pangasinan PPO na tiyaking handa ang lahat ng police stations sa lalawigan para sa mas ligtas at mas organisadong komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments