![](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2025/01/KURYENTE-9.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mas malaking impluwensya ng gobyerno sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), kasunod ng naselyuhang 20% shares ng Maharlika Investment Corporation.
Ayon sa Pangulo, ang kasunduan sa pagkuha ng shares sa NGCP ay nagsilbing magandang solusyon sa ilang mga pangamba tulad ng mga lumutang na pagdududa na posibleng makontrol ng China ang suplay ng kuryente sa Pilipinas, dahil sa umano’y malaking shares sa NGCP ng State Grid Corporation of China.
Dagdag pa ng Pangulo, malaki ang maitutulong nito sa mas matatag na suplay ng kuryente at pagpapanatili ng makatarungang presyo nito para sa bawat Pilipino.
Ito rin aniya ang unang pagkakataon mula nang maitatag ang NGCP na magkaroon na ng boses ang gobyerno sa mahahalagang desisyon nito.