Inihayag ng Department of Health (DOH) na patuloy silang nakatutok at mino-monitor ang presyo ng mga gamot sa gitna ng krisis sa langis na dulot ng tensiyon sa Middle East.
Muling iginiit ng DOH na maaaring tumaas ang presyo ng mga gamot, lalo na’t hindi ito maiiwasan, ngunit tiniyak nila na walang kakulangan sa suplay.
Ayon sa DOH, posibleng maramdaman ang epekto nito sa mga susunod na pagbili dahil maaaring magtaas ng presyo ang mga manufacturer.
Sinabi rin ng DOH na sapat ang stockpile ng gamot ng gobyerno na naka-standby para sa mga ospital at publiko, at wala pa ring kakulangan.
Bukod dito, tuloy-tuloy ang serbisyong pangkalusugan sa mga ospital, Bagong Urgent Care and Ambulatory Services Center, at iba pang programa ng DOH para sa publiko.
Sa ngayon, patuloy ang pagbabantay ng DOH sa presyo at suplay ng mga gamot habang hindi pa natatapos ang sitwasyon sa Middle East.
