Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na may sapat na suplay ng gulay at karneng baboy ngayong panahon ng Semana Santa.
Sa virtual presser ng DA, sinabi ni Dir. Nichols Manalo ng High Value Crops Program na may surplus ng gulay ang bahagi ng 2021 mula sa Cordillera Region at Region 2.
Wala aniyang problema sa logistics sa pagde-deliver ng agricultural supply kahit na mayroong pandemya.
Maayos din aniya ang koordinasyon sa mga nagpapatupad ng pinahigpit na checkpoints sa mga border na huwag iantala ang biyahe ng mga pagkain.
Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang dating ng mga supply ng gulay galing sa mga surplus areas patungong Metro Manila.
Facebook Comments