Tiniyak ng Philippine Army na sapat pa rin ang kanilang munition supplies o suplay ng bala upang labanan ang mga rebelled sa bansa.
Sinabi ito ni Philippine Army Commanding General Major General Romeo Brawner Jr. kasunod ng pagkasira ng isa sa mga munition depot ng 4th Infantry Division matapos masunog.
Ayon kay Brawner, tinatayang nasa 27.7 milyong piso na halaga ng ammunition ang nasira kung saan karamihan dito ay para sa bala ng 155-millitmeter howitzer
Sa kabila nito sinabi ng commanding general na hindi makakaapekto ito sa operasyon ng Philippine Army at ng Armed Forces of the Philippines upang laban ang mga banta sa pambansang seguridad.
Aniya, maliit lamang na bahagi ang nasira kung ikukumpura ito sa suplay ng ammunition na mayroon sa buong bansa.
Mababatid na tatlo ang sugatan matapos tamaan ng shrapnel at debris mula sa sunog na nauwi sa serye ng pagsabog sa loob ng ammunition storage complex sa Camp Edilberto Evangelista sa Cagayan de Oro.