SUPLAY NG ANTI RABIES VACCINES SA DAGUPAN CITY, TINIYAK

Tiniyak ng Dagupan City Health Office na sapat ang suplay ng anti rabies sa kanilang tanggapan upang matugunan ang dumadaming kaso ng animal bite sa lungsod.
Sa isang panayam kay Dagupan CHO, Medical Officer III Dr. Terence Lapena, hindi umano bababa sa 200 kaso ng animal bite ang naitatala ang sumasangguni sa kanila kada araw upang magpabakuna.
Karamihan sa mga ito, pet owners na nakagat o di kaya ay nakalmot.
Samantala, hinikayat naman ng CHO ang publiko na ipabakuna ang kanilang mga alagang hayop upang hindi maapektuhan at maprotektahan laban sa rabies. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments