Nanatiling matatag ang suplay ng asukal sa ilang pamilihan sa Metro Manila sa kabila ng nararanasang El Niño o tagtuyot ng bansa.
Kung maaalala, noong nakaraang taon ay naging malaki ang epekto ng tagtuyot at umabot nga sa 15% ang pagbaba sa produksyon ng mga taniman ng tubo sa bansa.
Sa ngayon ang presyo ng refined sugar ay nasa P70 hanggang P100, ang washed ay P68 hanggang P86 at ang brown sugar ay naglalaro sa P68 at P86.
Facebook Comments