SUPLAY NG ASUKAL | SRA, aalamin kung gaano karaming asukal na kailangang angkatin ng gobyerno

Kakalkulahin pa ng Sugar Regulatory Administration (SRA) kung gaano ang karaming asukal ang kailangang angkatin ng gobyerno abroad.

Matatandaang inihayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol na plano ng gobyerno na mag-angkat ng 300,000 metrikong toneladang asukal.

Pag-aalma kasi ng mga sugar millers at farmers na masyadong malaki ang nais na angkating asukal ng gobyerno.


Sa huling board meeting, inaalis ng mga sugar millers at farmers, maging ng mga opisyal ng SRA ang posibilidad na magsagawa muli ng bagong sugar importation ngayong taon lalo at nagsimula na ang milling season.

Kokonsultahin ng SRA ang mga sugar planters at farmers para alamin ang sapat na bilang ng asukal na i-aangkat.

Facebook Comments