May sobra-sobrang suplay na ng karneng baboy ang Metro Manila.
Sa virtual presser ng Department of Agriculture (DA), sinabi ni Assistant Secretary Arnel de Mesa na mayroong 7,403 na live hogs kada araw ang dumarating sa Metro Manila.
Ito ay sobra kung ikukumpara sa 4,000 na buhay na baboy na requirement ng National Capital Region (NCR) kada araw.
Sinimulan na rin ng DA ang pagtunton sa mga nagmamanipula ng presyo ng karneng baboy.
May mga vendor na nabigyan ng letter of summon para magpaliwanag kung bakit mahal ang presyo ng kanilang paninda.
Kumpiyansa rin si De Mesa na kakayanin ng mga vendor ang suggested retail price na ₱270 ang kada kilo ng baboy dahil ₱144 ang average farm gate at mayroon pang ₱21 na transportation assistance.
Facebook Comments