Walang dapat ikabahala ang publiko sa suplay ng baboy sa Central Visayas sa kanila ng pagpositibo sa African Swine Fever (ASF) sa Carcar City.
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Rex Estoperez, hindi naman ganun karami ang mga infected na baboy kung kaya’t walang dapat ikabahala sa suplay nito.
Paliwanag ni Estoperez sa 149 na kinuhang ng blood samples, 58 lamang ang nagpositibo sa ASF.
Umaapela naman ang Department of Agriculture (DA) sa publiko na iwasan muna ang pagbiyahe ng mga baboy papasok at palabas sa Carcar City Cebu upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Pinahihigpitan na rin ng DA sa Bureau of Quarantine ang pagbabantay sa mga pantalan para pigilan ang pagpasok ng mga processed meat na maaaring magdala ng virus.
Dagdag pa ni Estoperez ang Bureau of Animal Industry (BAI) at Provincial Veterinary Office ng Cebu ay nagbigay naman ng technical at logistic support sa Carcar City para upang mabilis na pigilan ang paglawak ng mga infected area.