Posibleng makabalik na sa normal sa susunod na taon ang suplay ng karneng baboy sa bansa.
Bumubuti na kasi ang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa na naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng baboy sa merkado.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Department of Agriculture (DA) Asec. Noel Reyes na batay sa huling tala ay nasa 60 na lang sa kabuuang 3,000 lugar sa buong bansa ang apektado ng ASF.
Samantala, tiniyak naman ni Reyes na hindi magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin ngayong holiday season.
Batay sa monitoring ng DA, nasa P160 hanggang P180 na ang presyo ng manok depende sa brand, habang P120 ang kilo ng tilapia at P160 ang sa bangus.
Ayon kay Reyes, gumaganda na rin ang suplay ng gulay partikular ang lowland vegetables tulad ng; ampalaya, okra, patola, at sitaw maging ang highland vegetables na kinabibilangan ng; kamote, kintsay, kamatis at kangkong