Cauayan City, Isabela- May kakulangan sa produksyon ng baboy sa rehiyon dos ayon sa Department of Agriculture (DA) Region 2.
Ito ay dahil sa halos namatay ang breeder ng mga alagang baboy dulot ng African Swine Fever.
Ayon kay DA Region 2 Regional Executive Director Narciso Edillo, ang kakulangan sa produksyon ng baboy ang sanhi ng nararanasang mataas na presyo sa kada kilo ng ibinebentang karne sa mga palengke.
Sa pagtaya ng ahensya, aabot sa P330 hanggang P350 kada kilo ng baboy sa mga pamilihan sa rehiyon.
Dagdag pa ng opisyal, isa rin sa kinokonsidera ang mataas na presyo naman ng pagkain ng baboy.
Sa kabila ng kakulangan sa suplay ng karne, takot pa rin ang mga magbababoy na mag-alaga dahil sa nananatiling banta ng ASF at ang kawalan ng bakuna kontra sa sakit.
Patuloy naman ang ginagawang hakbang ng ahensya para tugunan ang kakulangan ng suplay sa rehiyon.
Facebook Comments