Suplay ng bagong perang papel at coins, tiniyak ng BSP ngayon kapaskuhan

Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na sapat ang suplay ng mga bagong perang papel at barya ngayong holiday season.

Bunsod na rin ito ng pagtaas ng demand sa mga bagong perang papel at barya na ginagamit ng mga Pinoy bilang pang-aguinaldo sa kanilang pamilya at mga kaibigan na isang tradisyon tuwing Kapaskuhan.

Ayon sa BSP, nagsisimula kadalasan ang paglalabas nila ng mga bagong banknotes at coins tuwing October hanggang December.


Ang 1,000-pesos at 100-pesos bills ang may pinakamataas na demand na denominations tuwing Kapaskuhan, sunundan ito ng 50-pesos, dalawang piso, piso at 25-sentimo coins.

Facebook Comments