Tumaas ng sampung piso ang presyo ng baka sa ilang pamilihan dahil sa kakulangan ng suplay nito.
Ang laman at sirloin ng baka ay nagkakahalaga ngayon ng P380 kada kilo habang P290 kada kilo ang beef ribs.
Hindi naman gumalaw ang presyo ng baboy na nasa P230 pa rin per kilo.
Samantala, mabentang-mabenta ngayon ang litsong baboy sa La Loma, Quezon City.
Ang anim na kilong litson ay nagkakahalaga ng P5,000 habang ang litson na may 25 kilo ay mabibili sa halagang P15,000.
Umaasa naman ang mga nagtitinda na magtutuloy-tuloy ang benta nila ng litson hanggang sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Facebook Comments