SUPLAY NG BAKUNA KONTRA RABIES, SAPAT

Siniguro ng Dagupan City Health Office na sapat ang suplay ng mga bakuna kontra rabies sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Dagupan City Health Officer Dr. Julie De Venecia, magtatagal ang kanilang suplay hanggang buwan ng Disyembre.

Inilahad ni De Venecia ang importansya ng pagpapabakuna ng anti-rabies sakaling makagat ng alagang hayop at nanawagan din ng responsible pet ownership.

Ang suplay ng rabies sa lungsod ay tiniyak na matutugunan ang mga posibleng kasong maitatala sa mga susunod na buwan upang maprotektahan ang mga mamamayan sa lungsod ng Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments