Sapat na ang suplay ng mga dumating na bakuna sa bansa kontra COVID-19.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa ngayon ang wala ng problema sa suplay ng bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Dahil dito, handa na ang gobyerno na magbigay ng booster shots kapag mayroon nang go signal para rito.
Sa ngayon, pumalo na sa mahigit 50 milyong doses ng bakuna laban sa COVID-19 ang naiturok sa buong bansa.
Base sa pinakahuling datos ng National Task Force Against COVID-19, nasa 23.3 million na mga Pilipino ang fully vaccinated na sa buong bansa o katumbas ng 30.28% ng target population ng pamahalaan.
Facebook Comments