Suplay ng bangus sa Dagupan City bumaba, presyo apektado

Bahagyang apektado ng pagtaas ng presyo ang isdang bangus sa Magsaysay Market sa lungsod ng Dagupan dahil na din umano sa mababa ang suplay nito na dumarating sa pamilihan.

Ayon sa mga nagtitinda na ang mga bangus na nasa lungsod ay hindi lamang galing sa lungsod ng Dagupan kundi galing na din sa mga karatig lugar maging sa Bulacan na mas mababa ang presyo kumpara sa mga nakukuha sa lungsod.

Dagdag pa nila na apektado din ng pagtaas ang kaunti ang buyer na nag aangkat at kumukuha sa Magsaysay market.


Tumaas ng P10 hanggang P20 pesos ang kada kilo nito. Sa ngayon ay makakabili ng bangus na P90-P120 per kilo depende sa laki na dati ay P80 hanggang P100 per kilo.

Facebook Comments