SUPLAY NG BANGUS SA DAGUPAN CITY SA DARATING NA KAPASKUHAN, SAPAT AYON SA CITY AGRICULTURE OFFICE

Walang dapat ipag-alala ang mga consumers o mga nais bumili ng bangus ngayong panahon ng kapaskuhan dahil ayon sa City Agriculture Office ng Dagupan City ay sapat ang suplay ng isdang bangus sa lungsod.
Nagsimula na kasing isagawa ng mga fish growers sa lungsod ang pag-harvest partikular na ang isdang bangus dahil ngayong buwan ang Disyembre ang huling buwan ng harvest season ng 2022.
Ayon sa City Agriculture Office, malaki ang tiwala nilang hindi magkakaroon ng shortage o kakulangan ng bangus ngayong Christmas season dahil nag-umpisa na ang mga bangus growers sa pag-ani ng mga ito.

Bagamat nasa P160-180 ang kada kilo ng katamtamang laki ng bangus ay mataas pa rin ito ayon sa ilang mga consumer ngunit dahil sikat at in-demand sa handaan ay walang silang magagawa dahil ito ang kadalasang isinasama sa noche Buena at swak sa panlasa ng pamilya.
Samantala, wala naman daw umanong dapat ipag-alala ang mga mamimili dahil ligtas at maayos ang pagpapalaki sa mga ito ngunit may ilan lamang naitalang problema gaya na lamang ng malamig na panahon na dahilan sa pagkakabansot ng ilang bangus.
Binigyang diin ng Agriculture Office na marami ang magiging produksyon at suplay ng bangus sa lungsod para sa darating na kapaskuhan. | ifmnews 
Facebook Comments