Walang nararanasang kakulangan sa suplay ng bangus sa lalawigan ng Pangasinan.
Ito ang kinumpirma ng Samahan ng Magbabangus sa Pangasinan o SAMAPA sa naging panayam nito sa IFM News Dagupan.
Ayon kay SAMAPA Technical Head Jordan Carpio, bagamat nararanasan ang mainit na panahon, hindi ito masyadong nakakaapekto sa kabuuang produksyon ng bangus.
Dagdag niya na patuloy ang isinagawang programa at interbensyon upang maiwasan ang tuluyang pagkakaapekto ng nararamdamang init ng panahon sa paglaki ng mga isda.
Sa ngayon, nasa P160 ang per kilo ng bangus, depende pa ito sa laking bibilhin.
Sa panayam din ng himpilan sa mga bangus vendors, sakto lang daw at hindi nararanasan ang kakulangan sa suplay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments