SUPLAY NG BANGUS, SAPAT NA SAPAT NGAYONG BANGUS FESTIVAL

Tiniyak naman ng pamahalaang lungsod ng Dagupan na magiging sapat ang suplay ng bangus kasabay ng inaabangan na pagdiriwang ng Bangus Festival na kung saan tampok ang ‘Kalutan ed Dalan’ na ibibida ang produktong bangus ng lungsod.
Sinabi ng pamunuan ng lungsod ng Dagupan na bagamat nararanasan ang sobrang init ng panahon at pahirap ito sa lahat ng bangus growers ay tiniyak nila ang pakikipag uganayan sa mga ito upang sa gayon ay matiyak ang sapat na suplay.
Inaasahan namang magiging patok ang produktong bangus sa mga bisita dito at malaki ang magiging tulong para sa mga vendors at growers upang makabawi mula sa naging epektho ng pandemya.

Samantala, aabot naman sa isang libo (1,000) na grillers ang gagamitin sa kahabaan ng downtown area upang sabay sabay na mag ihaw ng bangus at sa ngayon ay walong daan (800) na ang okupado. Inaasahan naman na bago o matapos ang Holy week ay mauubos na na ang lahat ng ito. | ifmnews
Facebook Comments