Suplay ng beep cards, posibleng maging normal sa unang kwarter ng 2023 – DOTr

Posibleng sa unang quarter pa ng taong 2023 magbabalik normal ang suplay ng store-value passenger train cards o beep cards sa bansa.

Sa gitna na rin ito ng napipintong kakulangan ng beep cards dahil sa kakapusan ng pandaigdigang chip supply bunsod ng COVID-19 lockdowns sa China at nagpapatuloy na conflict sa Ukraine.

Una rito, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na hindi makukumpleto ng Beep card provider na AF Payments Inc. (AFPI) ang delivery ng nasa 75,000 beep card para sa inaasahang card forecast demand ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) para sa buwan ng July 2022.


Pero sa kabila nito, sinabi ni Transportation Undersecretary Cesar Chavez na may mga nakalatag naman na hakbang para matugunanan ang kakulangan at para ma-meet ang demand ng commuters para sa contact less cards.

Kabilang aniya rito ang paghahanap ng alternatibong paraan at ng Beep card provider nito gaya ng paggamit ng single journey tickets.

Kasabay nito, nakiusap ang opisyal sa mga mananakay na mayroong dalawa o tatlong hawak na beep cards na ipahiram na lamang ito sa kanilang kamag-anak, kaklase o katrabaho.

Facebook Comments