Manila, Philippines – Pinaiinspeksyon ng House Committee on Food and Agriculture sa NFA at DA ang mga traders ng rice cartel sa Metro Manila.
Ang mga ito ang tinukoy ni Manila Rep. Manuel Luis Lopez na dahilan ng pagpatay ng kabuhayan ng mga Local Farmers at Local Rice Production sa bansa.
Nagkasundo ang komite na inspeksyunin agad ang 13 pinangalanan na rice traders na matatagpuan sa Tondo, Maynila;
Evergreen;
Rising Sun;
GRC;
CGG;
Expo;
Arns;
Working Gold;
Leoneco;
PMT;
Hype Rice;
LM Rice Cereal;
MML Grain Center;
At Grandio.
Hiniling din ng mga miyembro ng komite na agad na gawin ngayon ng DA at NFA ang inspection para maipatigil ang anumang transaksyon.
Paliwanag ni Lopez, ang DA at NFA lamang ang may police powers para gawin ang paginspeksyon sa mga rice traders.
Pinaiimbitahan din ang 13 rice traders para pagpaliwanagin sa isyu ng rice shortage sa bansa.