SUPLAY NG BIGAS | Balitang wala nang supply ng NFA rice sa Metro Manila, hindi na bago – NFA

Manila, Philippines – Tinawag ni rice NFA spokesperson Rex Estoperez na hindi na bagong isyu ang napabalita na wala nang NFA rice sa pamilihan sa Metro Manila.

Sa panayam ng DZXL, sinabi ni Estoperez na buwan pa lamang ng Pebrero ay idineklara na nila na hindi na sila nagsupply ng NFA rice sa merkado.

Wala namang dapat ipag-alala dahil padating na sa buwan ng Abril o kalagitnaan ng Mayo ang 250,000 metric tons na inangkat na bigas ng NFA.


Ito ay maliban pa sa 250,000 metric tons na bigas na aangkatin at inaasahang dumating sa buwan ng Hunyo batay sa rekomendasyon ng NFA Council.

Aniya, sagana pa rin naman ang commercial rice sa merkado at tanging NFA rice lamang ang wala ng supply.

Facebook Comments