SUPLAY NG BIGAS | Imported rice na laan para sa Zambasulta provinces, darating na

Parating na mula Setyembre a kinse hanggang a trenta ang inangkat na 33,500 metric tons ng NFA rice ngayong taon.

Ayon kay NFA Admimistrator Jason Aquino, ang shipment ng bigas ay alokasyon para sa Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi upang ipantapat sa problema ng mataas na presyo ng bigas sa mga nabanggit na lugar.

Ang nalalabing100,000 MT para sa kabuuang 133,500 metric tons ng aangkating bigas ay darating naman sa pagitan ng buwan ng Oktubre a uno at Nobyembre 30, 2018.


Karagdagang rice stocks ito ng NFA sa Zambasulta provinces upang bigyan ang mga consumers ng mababang presyo at magandang kalidad ng NFA rice sa halagang P27 kada kilo.

Tiniyak ng NFA sa publiko na wala nang kakulangan ng bigas sa bansa matapos ang krisis sa Zamboanga at kalapit lalawigan mula nang ipatigil ang rice smuggling dito.

Facebook Comments