Manila, Philippines – Isinisi ng Malacañang kay dating National Food Authority Administrator Jason Aquino ang nararanasang kakapusan ng NFA rice.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may sapat sanang buffer stocks at wala sanang problema sa supply ng NFA rice kung hindi ginamit pambayad ng utang ang 5.1 bilyong pisong pondo para sa pambili ng bigas.
Aniya, maliban sa technical malversation dapat ring kasuhan ng graft at corruption si Aquino dahil sa naging pinsala nito sa publiko at gobyerno.
Sabi pa ni Roque, dahil rin kay Aquino kaya nabalam ang pag-aangkat ng bigas sa kabila ng signal ng NFA council.
Facebook Comments