SUPLAY NG BIGAS | Mga lugar na apektado ng kawalan ng NFA rice, hindi problema – DSWD

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi makakaapekto sa isinasagawang relief operations sa mga disaster afflicted areas ang sinasabing pagsasalat ng bigas ng National Food Authority (NFA).

Ayon kay Officer-in-Charge Emmanuel Leyco, magtatagal na lamang ng hanggang Marso ang imbak nilang NFA rice.

Aniya, sa ilalim ng regular government procurement rules, pinapayagan ang ahensya na bumili pansamantala ng commercial rice na ipapamahagi sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.


Mangangailangan lamang ito ng certification mula sa NFA na nagsasabing hindi na makakayang suplayan ng bigas ang DSWD.
<#m_-6945013497027998346_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments