SUPLAY NG BIGAS | Mga negosyante ng bigas, humihingi ng tulong sa DA

Posibleng malugi ang negosyo kapag natuloy ang pagpapatupad ng suggested retail price (SRP) sa Sabado ayon sa ilang retailer ng bigas sa Quezon City.

Sa October 27 bago na rin ang tawag variety ng bigas tulad ng regular rice 39 pesos well milled rice na 44 pesos at premium rice na 47 pesos.

Ayon kay Neneng Ignacio rice retailer sa Muños Market, marami pa silang reserbang bigas at mataas ang bili nila dito kaya at hindi pwedeng basta-basta ibaba ang presyo.


Dagdag pa nito saan sila hahanap ng mabibilan ng murang bigas para pumasok sa itinatakdang presyo ng Department of Agriculture (DA).

Dapat tulungan anila sila ng DA na maghanap ng direktang nabibilan ng bigas para mapigilan ang pagtaas ng presyo dahil sa mga trader at iba pang middleman.

Samantala matatanggalan ng lisensya ang mga rice retailer kapag hindi sila sumunod sa suggested retail price (SRP) na sisimulang ipatupad sa Sabado.

Facebook Comments