SUPLAY NG BIGAS | Mga rice traders, gustong makaharap ng Pangulo

Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si National
Food Authority Administrator Jason Aquino na imbitahan ang mga malalaking
rice trader para malaman ang tunay na estado ngayon ng supply ng bigas sa
bansa.

Sa naganap na pulong kagabi sa Malacanang ay sinabi ni Agriculture
Secretary Manny Pinol na inaasahan nila na sa oras na makaharap ng Pangulo
ang mga rice trader ay sasabihin ng Pangulo na ayaw niya ng rice hoarding o
pagtatago ng bigas upang mapataas ang presyo nito sa merkado.

Matatandaan na kagabi ay nakasama si Pangulong Duterte sa Pulong ng NFA
Council na kinabibilangan ng ilang miyembro ng gabinete at matataas na
opisyal ng Pamahalaan para pagusapain ang issue ng supply ng bigas sa bansa
pati na ang pagaangkat ng bigas ng Pilipinas.


<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments