SUPLAY NG BIGAS | NFA at DA, muling pupulungin ni Pangulong Duterte kaugnay sa kakulangan ng NFA rice

Manila, Philippines – Muling pupulungin anumang araw ngayong linggo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Food Authority, Department of Agriculture, mga rice traders at magsasaka.

Bunsod pa rin ito ng problem ang supply ng NFA rice sa merkado.

Sa press briefing sa Malacañang – sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na posibleng dito na rin ihayag ng Pangulong Duterte ang plano nitong pag-aayos sa NFA council kung ibabalik ba ang ahensya sa DA o mananatili ito sa ilalim ng Office of the President.


Ito na ang pangalawang pagpupulong ng grupo kay Pangulong Duterte na ang una ay isinagawa noong Abril 5.

Samantala, dumating naman na sa bodega ng NFA sa Visayas Avenue, Quezon City ang labing pitong cargo trucks na may kargang 400 hanggang 800 bags ng regular milled rice na inaasahang pagpapa-stable ng presyo ng bigas.

Ang nasabing mga bigas na mula Nueva Ecija ay nakatakdang ibenta sa halagang P39 per kilo sa mga pamilihan.

Facebook Comments