Manila, Philippines – Binigyan na ng basbas ng NFA Council ang National
Food Authority na simulan na ang proseso ng pag-angkat ng 250,000 Metric
tons ng bigas.
Ito ay upang matugunan ang kasalukuyang kakapusan sa buffer stock ng NFA
para mabalanse ang presyuhan ng bigas sa pamilihan.
Ibinigay ng council ang go signal matapos ang nangyaring pulong ng NFA
council sa Malacanang.
Mismong si President Rodrigo Duterte umano ang nagpadaloy sa pulong.
Mahigpit ang tagubilin ng Pangulo na ayaw niyang maulit ang pangyayari
noong 2008 kung saan napakahaba ng pila ng mga gustong makabili ng bigas sa
mga NFA outlet.
Ayon sa Pangulo, mas gugustuhin niya na may sobrang suplay ng bigas kaysa
naman may pagsasalat sa tustos ng naturang pagkaing butil.
Tinataya na aabutan na ng pag aani sa First Quarter ng 2018, bago dumating
ang aangkating bigas.