SUPLAY NG BIGAS | NFA operation center, bubuksan ng 24 oras

Iniutos ni NFA Administrator Jason Aquino sa mga NFA regional office sa northern Luzon na manatiling operational 24 oras at kahit na Sabado at Linggo.

Sa ngayon may 750 libong sako ng bigas ang nakaimbak sa ibat-ibang warehouses ng NFA sa Luzon, kabilang sa National Capital Region (NCR) na handa para sa distribusyon sa mga retailers at relief operations sa panahon ng kalamidad.

Inatasan din ni Aquino ang regional offices nito sa Regions 1, 2, 3 at Region 5 na protektahan ang kanilang stocks laban sa pagkabasa sa ulan o baha, pag-activate sa mga operation centers, at maging handa sa posibleng relief operations hanggang sa matapos ang bagyo.


Base sa datus ng NFA mahigit sa 2.2 million ng sako ng bigas sa buong bansa ang nasa mga sa mga warehouses nito at 4.1 million sako naman ng imported rice ang ibinababa na sa ibat-ibang daungan .

Mahigpit ang bilin ni Aquino sa mga NFA offices na makipag koordinasyom sa mga Local Government Units (LGUs), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Office of Civil Defense (OCD), Philippine National Red Cross, at Regional Disaster Risk Reduction and Management Council para sa mabilis na pagtugon sa pagkaloob ng bigas para sa calamity victims.

Facebook Comments