Manila, Philippines – Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National
Food Authority (NFA) na pabilisin ang pag-aangkat ng 250,000 metric tons ng
bigas.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol – ayaw ng pangulo na mangyari
muli ang 2008 rice crisis.
Inutusan na ng Pangulo si NFA administrator Jason Aquino na umpisahan ang
procurement process ng mga nasabing stock.
Sabi ni Piñol na okay sa kanila ang nais ng pangulo lalo’t matatapos na
harvest season.
Tiniyak ng DA na maagang maisusuplay ang mga bigas para matiyak na matatag
ang presyo nito sa merkado.
Facebook Comments