SUPLAY NG BIGAS | Pagbalik ng DA sa NFA Council, ikinatuwa ng isang mambabatas

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng ilang mambabatas na naibalik na ang Department of Agriculture (DA) sa NFA Council na matagal na nilang hinihiling upang matutukan ng husto ang problema ng mga magsasaka.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Davao Representative Karlo Nograles na dapat tiyakin ng NFA na mayroong sapat na supply ng NFA rice sa merkado upang hindi magutom ang mga Pilipino.

Paliwanag ni Nograles na ikinadismaya nito dahil inamin mismo ng mga NFA opisyal sa ginawang pagdinig sa Kamara na walang verification process kaya hindi matiyak ng NFA kung makatutugon sila sa problema ng supply ng bigay.


Dagdag pa ng kongresista na lalong nababaon sa utang ang NFA dahil madalas nag-aangkat ng bigas at nalulugi ng apat na piso ang ahensiya kumpara kung itataas aniya ang buying price na gawing P22 at ibebenta nila sa merkado ng P25 kaya kikita pa ang NFA ng tatlong piso pero hindi umano sinunod ng ahensiya ang kaniyang mungkahi.

Giit ni Nograles binigyan ng P7 bilyong pondo noong nakaraang taon pero ang ginawa ng NFA sa halip na bumili ng palay sa mga local na magsasaka ang ginawa ng ahensiya ay nagbayad sa kanilang utang na P6.1 bilyon na inamin sa ginawang committee hearing matapos na pukpukin ng mga mambabatas.

Facebook Comments