SUPLAY NG BIGAS | Rice shortage, mararamdaman sa buwan ng Abril at Mayo

Manila, Philippines – Hindi pa rin mahanapan ng konkretong solusyon ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) ang problema sa kakulangan ng suplay ng bigas sa bansa.

Sa pagdinig ng House Committee on Food and Agriculture, sinabi ni NFA Administrator Jason Aquino na pagsapit ng Abril at Mayo ay mararamdaman ang rice shortage ng NFA.

Malaki aniya ang problema dahil ang 250,000 metric tons na rice imports na pangreplenish sa rice shortage ng ahensya ay inaasahan pang darating sa bansa sa Hunyo.


Hindi aniya masasalo ang kawalan ng suplay ng bigas na mararamdaman sa mga nasabing buwan.

Ang tangi aniyang solusyon na kanyang nakikita para matugunan ang rice shortage ay “immediate rice importation”.

Sa panig naman Agriculture Sec. Manny Piñol na walang dapat ipag-panic ang publiko dahil sapat ang suplay sa buong bansa.

Nag uugat umano ang kalituhan sa hindi pagkakatugma ng pahayag nilang mga taga DA at NFA.

Paliwanag pa ni Piñol, nasa 96% ang self-sufficiency ng bansa sa bigas at inaasahang tataas pa ito dahil mas ganadong magtanim ngayon ang mga magsasaka.

Facebook Comments