Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na wala siyang nakikitang problema sa supply ng bigas sa bansa.
Ayon sa pangulo, nagkakaroon pa rin ng isyu sa pamamahagi ng bigas kaya’t hindi ito nailalabas ng tama.
Giit pa ni Pangulong Marcos, mas malaki ang ani ngayong taon kaysa sa nakaraan kaya’t pagdating sa production side ay nagiging maayos base na rin sa ulat ng Department of Agriculture (DA).
Kaugnay nito, nangako si Pangulong Marcos na palalakasin pa ang sistema ng agrikultura sa bansa.
Ito’y mula sa pagtatanim, pananaliksik, at pagpapaunlad gayundin sa pagproseso, pamamahagi, marketing at retail.
Umaasa rin si Pangulong Marcos, na sa lalong madaling panahon ay makikita na at mararamdaman ang pagbabago sa usapin ng pagpapalakas ng agrikultura sa bansa.