Suplay ng bigas sa bansa, magiging stable na pagsapit ng unang quarter ng 2024

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na inaasahang magiging stable na ang suplay ng bigas sa bansa pagsapit ng unang quarter ng 2024.

Ayon kay DA spokesperson Arnel de Mesa, nagsimula na nitong Oktubre ang peak ng anihan para sa wet season.

Inaasahang tatagal ng hanggang 77 araw ang national stock inventory ng bigas, at hanggang 94 araw sa pagtatapos ng anihan sa buwan ng Nobyembre.


Dahil dito, inaasahang aabot hanggang 2.4 milyong metric tons sa pagtatapos ng third quarter ng 2024 ang national stock inventory ng bigas, na tatagal naman ng nasa 60 hanggang 90 araw.

Umaasa rin ang DA na madaragdagan ang suplay ng bigas dahil sa pag-aangkat mula sa ibang bansa.

Matatandaan naman na una ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na tutukan amg pagbibigay ng tulong at suporta sa mga magsasaka ng bigas, retailers, at consumers kasabay ng mga hakbang para maging matatag ang suplay ng bigas at mapanatili ang mababang presyo nto sa merkado.

Facebook Comments