Hindi ang presyo ng bigas ang tinututukan ngayon ng Department of Agriculture (DA) kundi ang mapanatiling sapat ang suplay nito.
Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni DA Usec. Roger Navarro, mas mabuti na aniyang may nabibiling P56 kada kilo ng bigas dito sa bansa kaysa sa P42 kada kilo pero wala namang suplay.
Paliwanag ni Navarro, kung mababa nga ang presyo ng bigas pero wala namang suplay ay magdudulot pa rin ito ng inflation na makakaapekto rin sa pagtaas ng presyo nito.
Hindi rin daw aniya basta-bastang maibababa ang presyo ng bigas dahil tumataas din ang presyo ng fertilizer at seeds.
Dagdag pa ni Navarro, hindi naman daw nalalayo ang P56 kada kilo ng bigas ng Pilipinas, sa presyo ng Vietnam, nasa P48 per kilo at Thailand na P52 per kilo.